top of page

UP Jeepney

by:Deric San Andres

        Ikot, Toki, Philcoa, SM North, MRT/Pantranco, Katipunan. Ito ang mga byahe ng jeepney na makikita mo sa loob ng UP Diliman campus sa loob ng isang araw. Kahit saan ka lumingon ay mayroon kang makikita na jeepney sa loob ng UP, lalo na sa Academic Oval kung saan halos lahat ng jeepney ay dumadaan araw-araw. Hindi raw kumpleto ang UP experience mo kung hindi ka sasakay sa jeepney galing sa isang lugar papunta sa isang lugar, mapa-pupunta ka sa klase, kakain sa Shopping Centre, o di kaya nama’y ang simpleng pag-uwi lang sa dormitory. Ang UP Diliman lamang ang natatanging unibersidad sa Metro Manila na may sariling ‘transport system’, kaya naman hindi kagulat-gulat na tagurian ang UP Diliman bilang “Diliman Republic” at tinatawag din ito bilang “microcosm of the Philippines”. Kaakibat nito ang pagbuo ng isang kultura na natatangi kaysa sa ibang unibersidad.

 

     Noong nakaraang Pebrero 27 ngayong taong ito, nagkaroon ng sound exhibit si Dr. Christine Muyco - isang propesor sa Kolehiyo ng Musika at siya ring chairperson ng Theory and Composition Department ng nasabing kolehiyo na naglalayon na maidokumento ang mga tunog sa paligid ng campus sa pamamagitan ng pagkalap ng mga pang araw-araw na tunog sa kapaligiran. Ginamit niya at ng kanyang mga kasama sa proyektong ito ang ruta ng Ikot na kung saan iniikot nito ang campus counterclockwise o parang iyong kontra sa ikot ng relos. Nagkaroon ng mga “listening stations” na kung saan pwedeng mapakinggan ang mga tunog na nakalap sa paligid ng campus.

 

    May ginanap rin na pagtatanghal sa College of Science Ampitheater na pinamagatang “IkoToki for a jeepney Orchestra” na kung saan itinanghal rito ang mga instrumentong binuo na mula sa mga spare parts ng jeepney na nilikom mula sa iba’t-ibang junkyards sa Quezon City. Nagtanghal rin ang ilang mga driver ng jeepney sa naturang palabas.

 

   Kung ihahambing sa sulatin ni Emmanuel Torres na “Macho” ang nasabing pagtatanghal at exhibit, makikita na malaki na ang pinagbago ng “Koboy” lifestyle ng mga jeepney drivers noon kumpara sa mga jeepney drivers ngayon. Nakita na nagsasaya rin sa ibang paraang ang mga jeepney driver ngayon hindi tulad sa nabanggit sa Macho na ang pag-inom lamang ang kinaugalian nilang pagsasaya. Tunay ngang marami nang nagbago mula sa dating kultura na nakaugalian ng mga jeepney driver, nakita rin ang mga posibilidad na magawa mula sa mga parte ng jeepney, pati na rin ang importansya nito sa ating unibersidad at pati na rin sa ating bansa. Makikita na ang mga jeepney ng UP Diliman ay isa sa mga simbolo ng kayamanan ng kultura ng unibersidad.

Works cited:

   Berger, John, et. al. "Ways of Seeing". British Broadcasting Corporation and Penguin Books Ltd. 1972.

bottom of page